Tumanggi Nang Magbayad At Ininsulto Pa Ng Bride Ang Isang Wedding Host!

Share this article with other mums

Ibinahagi ng isang wedding host ang kaniyang naging karanasan matapos siyang insultuhin ng isang bride-to-be sa Facebook. Ito ay matapos siyang tumanggi na mag-host ng libre para sa isang kasal. Hindi madali ang maging wedding host Nag-viral ang conversation sa Facebook ng host na si Althea Español Leonen at isang bride-to-be sa Facebook. Ayon sa post ni Althea,

Ibinahagi ng isang wedding host ang kaniyang naging karanasan matapos siyang insultuhin ng isang bride-to-be sa Facebook.

Ito ay matapos siyang tumanggi na mag-host ng libre para sa isang kasal.

Hindi madali ang maging wedding host

Nag-viral ang conversation sa Facebook ng host na si Althea Español Leonen at isang bride-to-be sa Facebook.

Ayon sa post ni Althea, kinausap siya ng bride na nagsabing nirekomenda siya ng isang kaibigan.

Naging maayos ang simula ng kanilang usapan, ngunit biglang may nahalata ang wedding host.

wedding host

Source: Facebook.com

Ngunit dahil hindi madali ang kaniyang trabaho, syempre hindi pumayag si Althea na mag-host ng libre para sa bride na kumausap sa kanya.

wedding host

Source: Facebook.com

Mukhang hindi natuwa ang bride sa sinabi ni Althea tungkol sa pagkakaroon ng bayad, kaya nainis ito at ininsulto pa siya!

wedding host

Source: Facebook.com

“Nakakalungkot na may ganitong mga tao”

Dagdag pa ni Althea sa kaniyang post, “We invest for our skills, plus pagod sa pagdadala nang weddings and our efforts to doll up and dress up. Di naman ako after sa TF lang pero sana makita ung value namin as events host. Di naman po ako basta pinahawak lang ng mic then naging host na. Nakakalungkot na may ganitong mga tao.”

Matatandaan din na kamakailan lang ay si Jameson Blake naman ang humingi ng cover photo, kapalit ng shout-out sa twitter. Marami ding nagalit dito na netizen, dahil tila ay hindi nauunawan ng mga tao na hindi madali ang kanilang trabaho.

Kung tutuusin, wala naman masama na minsan ay magbigay ng libreng serbisyo, lalo na kung ito ay ibinigay sa kaibigan o kamag-anak. Pero hindi tama ang ginawa ng bride na humingi ng free hosting dahil lang nasabi ng kaibigan niya na papayag maghost ng libre si Althea.

Importante na bigyan natin ng respeto ang isa’t-isa. Hindi tama ang basta-basta na lang humingi ng libreng serbisyo kapalit ng exposure or “shout-out.” Bilang suporta sa kapwa nating mga naghahanap-buhay, kailangan nating bigyan ng tamang kabayaran ang kanilang serbisyo.

Basahin ang iba pang article:

Graphic Designers Nainis Sa Request Ni Jameson Blake Sa Twitter!

Twin Sisters Crash Wedding Reception, Steal Newlyweds’ Luggage

Wedding Scam: Newlyweds Scammed When Wedding Planner Didn’t Show Up

 

News Lifestyle