Magkakaroon Na Ng Branch Ang Shake Shack Dito Sa Pilipinas!

Share this article with other mums

Nagkaroon ng announcement ang sikat na burger chain na magbubukas sila ng ng branch ng Shake Shack Philippines sa susunod na taon

Good news! May ginawang announcement ang burger chain na Shake Shack na sila ay magbubukas sa Pilipinas!

Abangan ang pagbubukas ng Shake Shack Philippines

Shake Shack Philippines

Source: wikimedia commons

Kahapon ay nagkaroon ng announcement ang Shake Shack na magkakaroon na sila ng branch dito mismo sa Pilipinas!

Ayon sa Twitter post, magbubukas sila ng branch sa Spring 2019, o sa bandang March ng susunod na taon.

Kilalang-kilala ang Shake Shack sa buong mundo hindi lang para sa kanilang masasarap na burgers, ngunit pati na din sa kanilang hotdogs, fries, at mga shake.

Nagsimula ang Shake Shack sa New York noong 2001, at ngayon ay mayroong 168 na locations sa buong mundo.

Mataga-tagal na ring inaantay nga mga Pilipino magkaroon ng Shake Shack Philippines, dahil usong-uso dito ang mga burgers at iba pang fast food.

Tingnan ang kanilang Twitter post tungkol dito:

Hindi lang Shake Shack ang magbubukas sa Pilipinas

Shake Shack Philippines

Source: flickr.com

Isa pang good news para sa mga foodies, magbubukas na rin sa Pilipinas ang Magnolia Bakery!

Ang Magnolia Bakery ay isang sikat na bakery sa New York na kilala sa kanilang napakasarap na mga cupcakes!

Wala pang detalye ang announcement, pero kumpirmado nang magkakaroon ng branch sa Pilipinas. Kaya’t maraming inaasahang masasarap na international chain ang magbubukas sa Pilipinas sa mga susunod na taon!

Siguradong marami nanaman ang naeexcite sa paparating na mga international chain, lalo na at nagkakaroon na ng “foodie culture” dito sa bansa.

Dumarami na rin ang mga food blogs at mga influencers sa social media na pagkain ang nagiging focus ng content. Kaya’t marami ring mga negosyante ang naeenganyo na magtayo ng kanilang mga food business dahil sa lumalagong market na ito.

 

Basahin ang iba pang mga article dito:

This Man Spent Only $8 On Food Last Year — Here’s How

Restaurant Goes Bankrupt After Offering All-You-Can-Eat Promo For 2 Weeks

Good News! You Don’t Have To Spend A Cent To Hang Out In Starbucks Anymore

Lifestyle