Mas Madali Nang Makakakuha Ng Japanese Visa Ang Mga Pinoy!

Share this article with other mums

Ayon sa Japanese Embassy, pinadali nila ang mga Japanese Visa requirements para sa mga empleyadong nagnanais pumunta sa Japan para sa kanilang trabaho.

Mayroon kaming mabuting balita para sa mga Pilipinong empleyadong nagnanais pumunta sa Japan para sa trabaho! Ayon sa Japanese Embassy, pinadali na nila ang mga Japanese Visa requirements para sa mga Pilipinong gustong kumuha nito.

Ito raw ay upang magkaroon ng “people-to-people exchanges” sa dalawang mga bansa.

Japanese Visa requirements, pinadali para sa mga Pinoy!

Japanese Visa requirements

Source: pixabay.com

Bukod sa mga Pilipinong empleyado na nais pumunta sa Japan para sa business purposes, pinadali rin ng Japan ang pagkuha ng visa para sa mga ilang intellectual o cultural figures.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Mga artist, specialist sa humanities, o scientist na mayroong katangi-tanging nagawa.
  • Abogado, CPA, patent attorney, notaryo, o doktor na may national o international na qualification.
  • Mga manlalaro ng amateur sports na mayroong relevant accomplishments.
  • Mga full-time professor, assistant professor, o lecturer sa university o college.
  • Director ng national o public research institution at museo.
  • Mga government officials.

“The relaxation of visa requirements is expected to contribute to improvement of convenience for tourists and increase in repeat visitors as well as further advancement of people-to-people exchanges between Japan and the Republic of the Philippines,” sabi ng Japanese Embassy.

Anu-ano ang mga requirements na kailangan?

Japanese Visa requirements

Source: pixabay.com

Heto ang mga Japanese Visa requirements para sa mga may planong pumunta sa Japan para sa kanilang trabaho:

  1. Philippine Passport. Kailangang may 2 pages na libre ang passport at walang damage o sira.
  2. Visa application form. Dapat maayos ang pagka-fill out sa application form.
  3. Photo na 4.5cm x 4.5cm. Kailangang nakasulat ang pangalan ng aplikante sa likod ng photo, at dapat naka-paste ito sa application form.
  4. Employment certificate. Kasama dapat dito ang salary, tenure, at position ng empleyado.
  5. Dokumento na nagpapatunay na eligble ang aplikante sa special Visa.
  6. Explanation letter para sa multiple-entry visa.
  7. Documents upang patunayan ang kinship. Kabilang dito ang birth certificate, marriage certificate, etc.

Para sa mas detalyadong mga requirements at iba pang detalye, bisitahin ang website ng Japanese Embassy.

News Lifestyle