Alam Niyo Ba Na Karamihan Ng Mga Pilipino Ay Hindi Nag-Iipon Sa Bangko?

Share this article with other mums

Mahalaga ang pag-iipon upang maalagan ang iyong kinabukasan. Ngunit mahalaga rin kung saan mo inilalagak ang iyong perang inipon.

Mahalaga ang pag-iipon ng pera. Ang pag-iipon ay nakakatulong upang maihanda ang iyong sarili sa kahit anong mangyari. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng ipon sa mga panahong ikaw ay magksakit, o di kaya’y mawalan ng pagkakataon ng magtrabaho.

Ngunit alam niyo ba na karamihan sa mga Pilipino ay walang ipon? At karamihan din ng mga Pilipino na mayroong ipon ay kakaunti lang ang nag-iipon sa bangko?

Bakit nga ba mahalaga ang pag-iipon?

pag-iipon

Source: pixabay.com

Ang pagkakaroon ng ipon ay isang mabuting paraan upang maghanda sa iyong kinabukasan. Importanteng palaging mayroong nakatabi na pera dahil ito ay magagamit mo sa mga emergency, o kaya naman ay para sa iyong retirement.

Mabuti rin ang pag-iipon kapag may planong kang bumili ng bahay, sasakyan, o kung ano mang malaking gastusin.

Ngunit para sa ibang Pilipino, hindi mahalaga sa kanila ang pag-iipon. Hindi dahil sa ayaw nilang mag-ipon, ngunit kadalasan ay maliit ang kanilang kita, at napakamahal din ng mga gastusin.

May ibang tao naman na nasanay nang hindi nagtatabi ng pera bawat sahod. Kadalasang sila ang nauubusan ng pera kapag parating na ang katapusan ng buwan.

Ayon sa isang survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 48% lang ng mga Pilipino ang may ipon. At sa 48% na ito, natatanging 9% lamang ang nag-iipon sa bangko.

Ibig sabihin, karamihan sa kanila ay nakatabi lang sa bahay ang naipong pera. Bagama’t mabuti ang mag-ipon, hindi naman tama na ito ay nakatabi lang sa bahay. Una, malaki ang posibilidad na ito ay manakaw o mawala. Pangalawa, mas madali din itong lustayin kung nasa bahay lang.

Kaya’t bukod sa pag-iipon, mahalaga rin ang tamang paraan ng pag-iipon.

Paano ba ang tamang paraan ng pag-iipon?

pag-iipon

Source: flickr.com

Sundin ang mga tips na ito upang masiguradong maayos ang inyong pag-iipon:

1. Magbudget

Mahalaga ang pagkakaroon ng budget dahil ito ay makakatulong sa iyo upang malaman kung magkano ang pwede mong gastusin kada buwan. Magandang sundin ang “50-30-20 rule.” Dito, itatabi mo ang 50% ng iyong sahod para sa pang-araw araw na pangangailangan, 30% para sa mga personal na gastusin, at 20% para sa ipon.

2. Mag-ipon sa bangko

Importante ring ipunin ang pera sa bangko at hindi lang sa alkansya o sa bahay. Ito ay dahil mas sigurado kang hindi mawawala ang pera mo sa bangko, at ang ibang bangko ay mayroong interest na magpapalago ng iyong pera.

3. Mag-invest

Ang isa pang paraan ng pag-iipon ay ang pag-invest. Pwede ka mag-invest sa negosyo, sa stocks, at pati na rin sa personal na insurance. Maganda ang pagkakaroon ng investment dahil ito ay magagamit mo kapag ikaw ay nag-retire.

4. Magbawas ng gastusin

Importante rin na magbawas ng gastusin upang magkaroon ng ipon. Kadalasan, marami tayong mga gastos na hindi naman talaga kailangan. Kung posible, dapat iwasan natin ang mga ito at ilaan na lang sa ipon ang pera upang hindi masayang.

5. Huwag ubusin ang ipon

Ang pinakaimportante sa lahat ay huwag ubusin ang iyong naipong pera. Dapat palaging mayroong nakatabing ipon na pwede mong magamit sa panahon ng pangangailangan. Tandaan, kahit importanteng gastusin ang pera, hindi naman kailangan na gastusin ito agad-agad at hindi na mag-iwan para sa ibang araw.

 

Basahin ang iba pa naming article:

Save On Your Monthly Electricity Bill By HALF With This Simple Hack

Planning A House Party On A Budget? 6 Ways To Cut Costs Without Compromising On Fun

How To Stop Living Paycheck To Paycheck And Start Getting Your Act Together

Finance and Banking Savings